
Empleyado sa isang Korean company si Jinny (Sheryl Cruz) at dito niya nakilala ang Koreanong si Ryan.
Nagkaibigan at nauwi sa kasalan hanggang sa nagkaroon na rin ng anak ang dalawa.
Ngunit magigimbal ang tahimik na mundo ni Jinny nang mahuli niyang nagtataksil si Ryan.
Dahil dito, magpapasya siyang pumunta sa Korea kasama ang anak at manirahan sa mga manugang nito habang hinihintay na sumunod si Ryan na nagpaiwan muna sa Pilipinas para isara ang kaniyang negosyo.
Umasa si Jinny na pagsunod ng asawa sa Korea ay makakapagbagong buhay na silang dalawa.
Pero ang inakala niyang solusyon ay magbubulgar pala ng tunay na pagkatao ni Ryan.
Ang buong akala ni Jinny ay may-ari ng paaralan sa Korea ang pamilya ni Ryan at kaya nitong sumuporta ng pamilya.
Nang makausap na ni Jinny ang pamilya ni Ryan, malalaman niya ang mapait na katotohanan sa kapatid ni Ryan,
"We are not rich and we don't own a school. We only depend on my father's pension. Next time, don't believe my brother."
Gayunpaman, nanirahan na lamang si Jinny pansamantala sa kaniyang mga biyenan dahil wala itong ibang kakilala sa Korea.
Makakahanap siya ng trabaho at kalaunan magiging breadwinner pa ng pamilya ni Ryan.
Ang buong akala ni Jinny, makakaahon na siya kahit pa tinutulungan ang mga biyenan.
Subalit magugulo muli ang kaniyang mundo sa pagdating ni Ryan sa Korea nagpupumilit siyang magkaroon sila ng foreign divorce.
Ano kaya ang magiging tadhana ni Jinny at ng kaniyang anak?
LJ Reyes at Edgar Allan Guzman, magpapalitan ng asawa sa 'Tadhana'
Cruz cousins' online rendition of The Corrs song leaves netizens breathless!