
Sa Tadhana: Perlas, isang perlas na nagkakahalaga ng milyon-milyon ang natagpuan ng mag-amang Ipe (Wendell Ramos) at Bugoy (Zyren dela Cruz), kayamanang inaakala nilang mag-aahon sa kanila mula sa kahirapan.
Dahil dito, biglang nag-iba ang pakikitungo ng tiyahin na si Gloria (Aleck Bovick), na tila naging mas maalaga at mabait sa kanyang mga pamangkin. Ngunit sa likod ng kanyang ngiti ay ang matinding paghahangad sa yaman, lalo na nang hindi siya masiyahan sa hating ibinigay sa kanya ni Ipe (Wendell Ramos).
Hindi naging sapat kay Gloria ang kanyang bahagi, kaya't handa siyang dungisan ang sariling mga kamay para makuha ang lahat ng kayamanang maiiwan ni Ipe.
Habang dumarami ang mga taong nagkaka-interes sa perlas, lalong nalalagay sa panganib ang mag-ama. Makaliligtas kaya sila sa mga taong handang gawin ang lahat para sa yaman?
Abangan ang kapanapanabik na pagganap nina Wendell Ramos, Althea Ablan, Royce Cabrera, Aleck Bovick, Zyren Dela Cruz, at Larkin Castor at tutukan ang susunod na yugto ng Tadhana: Perlas, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs Facebook at YouTube livestream.