GMA Logo Arra San Agustin Tadhana Babawiin Ko Ang Langit
What's on TV

'Tadhana' presents award-winning story in 'Babawiin Ko Ang Langit'

By Bianca Geli
Published October 6, 2023 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin Tadhana Babawiin Ko Ang Langit


Abangan ang 2023 Asian Academy Creative Awards' winning story ng 'Tadhana: Babawiin Ko Ang Lahat' ngayong Sabado, 3:15 p.m.sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

Sa Tadhana: Babawiin Ko Ang Langit, isang babaeng may kakaibang hitsura, pekeng pag-ibig lang pala ang ipinakita ng pinakasalang nobyo!

Mabawi pa kaya niya ang kinuhang yaman nito?

Laking gulat nina Agatha (Sunshine Cruz) at Isaiah (Christopher de Leon) nang ipinanganak ang kanilang unica hija na si Emilia (Arra San Agustin).

Dahil sa kakaibang hitsura ni Emilia ay hindi maiwasan na ituring siyang halimaw sa kanilang lugar. Kaya naman upang protektahan ay ilalayo at itatago siya ng kanyang pamilya.

Lilipas ang panahon at unti-unting nagnanais si Emilia na makalabas sa mansyon. Sa minsang pagtakas ni Emilia ay makikilala niya si Gabriel (Jason ABalos) -- ang lalaking bumihag sa kanyang puso. Pero ang inaakalang tunay na pag-ibig, scam pala.

Mabawi pa kaya ni Emilia ang inagaw na yaman mula sa kanya?

Abangan ang 2023 Asian Academy Creative Awards' winning story ng Tadhana: Babawiin Ko Ang Langit ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.