
Bilang pagdiriwang ng walong taon ng pagbabahagi ng mga kuwentong hango sa tunay na buhay, inihahandog ng Tadhana ang koleksiyon ng mga makapangyarihang movie cuts, na sumasalamin sa mga pagsubok at tagumpay ng mga Pilipino.
Tampok sina Nikki Co, Meg Imperial, Eula Valdez, Rocco Nacino, Claudine Barretto, at Gladys Reyes, tinatalakay ng mga pelikula ang mga tema ng pagtataksil, sigalot sa pamilya, pagtanggap, at pakikipaglaban, mga paalala na kahit sa pinakamadilim na sandali ng buhay, laging may pag-asa.
Tadhana Special Movie Cut: Pahirap ng Pasko feat. Nikki Co, Meg Imperial, and Eula Valdez
Biglang nagbago ang marangyang buhay ng pamilya perez. Dahil dito, handang gawin ng magkapatid na sina David (Nikki Co) at Jennifer (Meg Imperial) ang lahat para mabayaran ang kanilang malaking utang--kahit pa kumapit sila sa patalim.
Tadhana Special Movie Cut: Boss Karyoka feat. Rocco Nacino
Hindi inakala ni Leo (Rocco Nacino) na ipagpapalit siya ni Tonet (Empress Schuck) sa ibang lalaki. Paano niya muling bubuuin ang kanyang sarili para tuparin ang mga pangarap?
Tadhana Special Movie Cut: Sa Ngalan ng Ama feat. Gabby Concepcion, Eula Valdez and Thea Tolentino
Matapos makipaghiwalay sa matagal na karelasyon, nakilala ni diane (ariella arida) si coco (eula valdez). Ngunit natuklasan niyang nagdadalang-tao siya sa ex-boyfriend na si christian (gabby concepcion).
Tadhana Special Movie Cut: Bekiry feat. Jaclyn Jose, Kate Valdez and Nikki Co
Bilang isang mapagmahal na ina, tanggap ni Teresa (Jaclyn Jose) ang kasarian ng kanyang mga anak. Dahil dito, bukas si Philip (Nikki Co) sa pagiging beki ng kanyang dalawang kapatid na sina China (Alchris Galura) at Saudi (Prince Stefan). Ngunit paano kung ang ama ng kanyang kasintahang si Pia (Kate Valdez) ay laban dito?
Tadhana Special Movie Cut: Tayong Dalawa feat. Ricky Davao and Jillian Ward
Nang pumanaw ang ama ni Sophia (Jillian Ward), nakaranas siya ng pagmamalupit mula sa kanyang madrasta na si Pearl (Maxine Medina).
Tadhana Special Movie Cut: Sister's Keeper feat. Arra San Agustin, Yasser Marta, and Jenzel Angeles
Inakala nina Warren (Yasser Marta) at Marife (Jenzel Angeles) na wala na si Grace (Arra San Agustin). Dahil dito, naging sandalan sila ng isa't isa hanggang sa umusbong ang kanilang relasyon.
Tadhana Special Movie Cut: Hanggang Kailan feat. Claudine Barretto and Gladys Reyes
Para makuha ang matagal nang inaasam na hotel business, handang gawin ni Martina (Gladys Reyes) ang lahat, kahit pa sirain ang pamilya ng kanyang kapatid na si Dolores (Claudine Barretto).
Tadhana Special Movie Cut: Regalo feat. Rocco Nacino and Max Collins
Ano ang gagawin ni Alice (Max Collins) nang malaman niyang hindi pala siya ang nag-iisang babae sa buhay ni Leo (Rocco Nacino)? Sa kabila ng kanilang relasyon sa Japan, kay Leila (Phoebe Walker) pala siya umuuwi sa Pilipinas.
Walong taon, walong pelikula ng mga kuwento ng pagsubok at pagharap sa mga hamon ng buhay.
Panoorin ang Tadhana movies sa GMA Public Affairs YouTube channel. Hanapin din ang Tadhana Movie Cuts sa Tadhana Facebook page comments section.