GMA Logo Tadhana
What's on TV

'Tadhana' teases all new episodes every Saturday

By Bianca Geli
Published February 4, 2022 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana


Weekly drama anthology show 'Tadhana' is set to showcase all-new episodes this 2022.

Fresh new episodes ang handog ng GMA weekly drama anthology na Tadhana simula ngayong February 5.

Ngayong Sabado, isang nakagigimbal na storya ang hatid ng Tadhana tungkol sa matatag na pagkakaibigan nina Bella (Rere Madrid) at Coleen (Shanelle Agustin) na biglang masisira dahil sa isang lalaki--si King (Migs Villasis).

Mas lalo pang gugulo ang kanilang friendship nang matagpuang walang buhay si Coleen (Shanelle Agustin) sa kanilang paaralan. Ang huling kasama niya bago ang malungkot na pangyayari, walang iba kundi si Bella.

Makakamit kaya ang hustisya sa pagkamatay ni Coleen? Kaninong suspetsa ang may katotohanan?

Abangan ang natatanging pagganap nina Rita Avila, Gardo Versoza, Janna Dominguez, kasama na rin sina Rere Madrid, Therese Malvar, Shanelle Agustin, Migs Villasis, Sue Prado at Gab Yabut.

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Suspetsa, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7! #TadhanaSuspetsa