
Hindi pangkaraniwang kuwento ng pamilya ang tampok ngayong linggo sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailananman.
Ang dalawang babaeng mag-aagawan sa isang lalaki ay hindi lang basta magkaribal kundi mag-ina pa!
Ito ang kuwento ng mag-inang Salve at Lucila na parehong iibig kay Manuel.
Bata pa lang si Lucila nang makilala ni Salve ang kanyang pangalawang asawang si Manuel.
Mabubuhay sila bilang isang pamilya hanggang sa magdalaga na si Lucila.
May mabubuo kasing pagtitinginan sa pagitan nina Manuel at Lucila.
Paano kaya haharapin ng pamilya ang kakaibang hamong ito?