
Sa ikalawang linggo ng Tale of the Nine Tailed, ilang beses na nalagay sa peligro ang buhay ni Gia.
Sa paglalakbay naman ni Gia sa isang bundok, isang babae ang kanyang nakausap.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, napansin ni Gia na tila may kakaiba sa mga ikinikilos nito.
Nang papaalis na siya, bigla na lamang siyang nawalan ng malay dahil isang patibong pala ang inihanda ng babae para sa kanya.
Dahil sa nangyari, lubos na nag-alala si Leon kay Gia kaya't hinanap niya agad ito upang iligtas.
Nang matagpuan na si Gia, agad na nakipaglaban si Leon sa babae upang tumigil na ito sa paghahasik ng kasamaan sa bundok.
Habang nananatili sina Gia at Leon sa isang mahiwaga at mapanganib na lugar, isang mahalagang bagay ang nalaman ni Leon tungkol sa kapalaran ni Gia.
Ang kapalaran ni Gia
Nang mapatay ni Leon ang masamang babae, isang kaparusahan ang naging kapalit nito.
Dahil unti unti nang nahuhulog ang loob ni Leon kay Gia, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang kaparusahan.
Habang siya ay naghihintay sa pagtatapos ng kaparusahan, malalagay muli sa panganib ang buhay ni Gia.
Para sa kaligtasan ni Gia, muling nagsakripisyo si Leon.
Ang sakripisyo para kay Gia
Matapos magtagumpay ni Leon sa kanyang pagtawid sa isang mapanganib na tulay,
pinili nina Leon at Gia na sulitin ang mga araw na sila ay magkasama.
Sa pag-usad ng mga araw isang pangarap ang ibinahagi ni Leon.
Ang pangarap ni Leon
Upang mas maliwanagan sa mga nangyayari sa paligid, isinama ni Leon si Gia sa kanyang kaibigan na may alam tungkol sa buhay ng mga mortal.
Nang makausap ni Gia ang isang manghuhula, dito niya nalaman ang katotohanan tungkol sa pagkawala ng kanyang mga magulang.
Ang katotohanan
Nagkatagpo sina Gia, Leon, at Ram sa loob ng isang gusali kung saan isang lalaki ang nagsabi sa kanila tungkol sa kanilang magiging kapalaran.
Dito ay nasubukan ang katatagan ng loob nina Gia at Ram sa pag-aalay nila ng mahahalagang bagay sa kanilang mga buhay para sa kanilang kahilingan.
Bago mawala si Leon sa mundo ng mga mortal, isang bagong misyon ang ibinahagi niya kay Gia.
Bagong misyon
Abangan pa ang mga istorya ng kababalaghan sa Tale of the Nine Tailed mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Tale of the Nine Tailed actor na si Kim Bum sa gallery na ito: