GMA Logo Tale of the Nine Tailed
What's Hot

Tale of the Nine Tailed: Ang kapatid o ang iniibig? | Week 3

By EJ Chua
Published November 3, 2021 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, light rains expected as Amihan prevails across PH
Woman lands in jail for alleged 'salisi' modus in Cadiz
Lalaking may bukol sa mukha, naoperahan sa ilalim ng operation bukol project ng GMA Kapuso Foundation sa tulong ng UST Hospital

Article Inside Page


Showbiz News

Tale of the Nine Tailed


Sino nga ba ang iniligtas ni Leon?

Sa ikatlong linggo ng Tale of the Nine Tailed, muling nasubok ang kahalagahan ng buhay ni Gia para kay Leon.

Sunud-sunod na peligro na kasi ang nag-aabang upang makuha ng kaaway ang katawan ni Gia.

Kahit siya ay isang matapang na TV producer, hindi niya kakayanin na lumaban sa iba't ibang nilalang na kanyang nakaka-engkwentro.

Dahil dito, bantay-sarado siya ni Leon upang masiguro ang kaligtasan ni Gia.

Ang kaligtasan ni Gia

Isang araw, sinamantala ni Ram na wala si Leon sa tabi ni Gia.

Isang mahiwagang salamin ang ipinadala nito upang makita ni Gia ang kanyang past life.

Sa pamamagitan ng salamin na ito, nabunyag ang mga sikreto ni Leon tungkol sa tunay na nangyari noon sa buhay ni Gia bilang si Aida.

Matapos nito, lubos na nagalit si Gia kay Leon dahil sa kanyang natuklasan.

Ang past life ni Gia

Habang unti-unti nang natutuklasan ni Gia ang mga mahahalagang bagay tungkol sa kanyang katauhan, muling nagbalik ang isang kalaban na lubos na sumubok sa pagpapahalaga ni Leon sa kanyang mga mahal sa buhay.

Inilagay ng isang matandang babae sa dalawang pinto sina Gia at Ram.

Habang nasa peligro ang dalawa, pinapili niya si Leon kung sino ang ililigtas sa dalawang taong mahalaga sa kanya.

Unang iniligtas ni Leon si Ram habang ito hinahabol ng masasamang nilalang sa isang mapanganib na gubat.

Habang nasa loob ng isang pinto, muling nakasama ni Gia ang kanyang mga magulang. Ngunit, kalaunan ay napagtanto nito na isa lamang itong patibong.

Matapos iligtas ni Leon ang kanyang kapatid na si Ram, agad niyang pinuntahan si Gia at iniligtas mula sa panlilinlang ng ahas.

Sino ang ililigtas ni Leon?

Abangan pa ang mga kababalaghan sa Tale of the Nine Tailed mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Tale of the Nine Tailed actor na si Lee Dong Wook sa gallery na ito: