
Nagsimula ang lahat nang makita ni Gia ang nine-tailed fox na si Leon sa pamamagitan ng pag-iimbestiga sa kahina-hinalang pangyayari sa isang event.
Noong una, hindi magkasundo ang dalawa dahil na rin sa inililihim ni Leon ang kanyang pagkatao.
Kalaunan, naging magkasundo ang dalawa kahit napatunayan na ni Gia ang mga itinatago ng gumiho na si Leon.
Nang isama ni Leon si Gia sa kanyang mga misyon bilang isang gumiho, nagsimula nang malagay sa panganib ang buhay ng TV producer.
Dahil sa pagiging isang mortal, hindi lubos ang kaalaman ni Gia tungkol sa ilang bagay na ginagawa ni Leon.
Isang araw, nakita ni Gia kung paano siya gustong patayin ng isang nilalang na nagkunwaring tao.
To the rescue naman agad si Leon upang iligtas ang TV producer na kamukha ng kanyang dating kasintahan na si Aida.
Nang lapitan ng mga aswang, gumawa din ng paraan si Leon upang mailigtas at mailayo si Gia sa masasamang espiritu.
Habang nasa isang mapanganib na gubat, nasubukan din ang pagpapahalaga ng gumiho sa buhay ng mortal na si Gia.
Nang matagpuan ni Leon na walang malay si Gia, agad niyang pinatay ang matandang babae na lumason dito.
Sa pagdaan ng mga araw, nahulog na ang loob nina Leon at Gia sa isa't isa.
Dahil dito, mas nalagay sa panganib ang kanilang mga buhay.
Sa kabila nito, mas naging matindi naman ang pagbabantay ni Leon sa kanyang kasintahan.
Ilang beses ding pinatunayan ni Leon na kahit buhay na niya ang kapalit, pipiliin pa rin niyang iligtas si Gia.
Subaybayan ang istorya nila Gia at Leon sa Tale of The Nine Tailed. Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin si Jo Bo-ah, ang Korean actress na gumaganap bilang si Gia sa 'Tale of the Nine Tailed sa gallery na ito: