GMA Logo Tale of the Nine Tailed
Courtesy: taleoftheninetailed (IG)
What's Hot

'Tale of the Nine Tailed,' mapapanood na mamaya sa GMA Telebabad

By EJ Chua
Published October 11, 2021 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Tale of the Nine Tailed


Ang 'Tale of the Nine Tailed' ay pinagbibidahan nina Lee Dong-wook, Jo Bo-ah, at Kim Bum.

Ang romantic-urban fantasy Korean drama series na magdadala ng kilig at hiwaga sa mundo ng mga Kapuso, mapapanood na mamaya!

Abangan ang buhay ng isang gumiho at isang modern-day TV producer sa Tale of the Nine Tailed.

Matapos ang istorya ng labanan para sa reputasyon, buhay, at kayamanan sa The Penthouse 2, isa na namang kaabang-abang na K-drama ang handog ng GMA Heart of Asia.

Ito ay pagbibidahan ng mahuhusay na Korean stars na sina Lee Dong-wook bilang si Leon at Jo Bo-ah bilang si Gia.

Courtesy: taleoftheninetailed (IG)

Makakasama rin nila ang aktor na si Kim Bum bilang si Ram, ang half-brother ni Leon na isa ring gumiho (nine-tailed fox).

Courtesy: taleoftheninetailed (IG)

Iikot ang istorya sa magkaibang mundong kinabibilangan ng isang matapang at makapangyarihang gumiho at isang mortal na babae.

Makikilala rin dito ang mga taong mahalaga sa kanilang mga buhay.

Ano nga ba ang mangyayari sa unang pagtatagpo ni Leon at Gia? Ano ang mga sikretong unti-unting mabubunyag tungkol sa kanilang pagkatao?

Paano mababago ng kapangyarihan nina Leon at Ram ang buhay ng mga taong kanilang makakasalamuha?

Ano ang gagawin mo kung isang araw ay malaman mong mayroon palang kakaibang nilalang sa iyong paligid?

Humanda na sa kakaiba at pinaghalong kuwento ng katatakutan at pag-ibig. Huwag palampasin ang unang gabi ng Tale of the Nine Tailed, mamayang 9:35 pm sa GMA Telebabad.

Para sa iba pang Kapuso Network stories, bisitahin ang www.GMANetwork.com.