GMA Logo Tale of the Nine Tailed
What's Hot

Tale of the Nine Tailed: Pamilya at Pag-ibig | Week 3 Recap

By EJ Chua
Published November 9, 2021 9:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

6 arestado sa pagnanakaw sa tulong ng GPS
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

Tale of the Nine Tailed


Paano natitimbang ni Leon ang pag-ibig at ang kanyang pamilya?

Umikot ang ikatlong linggo ng Tale of the Nine Tailed sa mga paraan ni Leon kung paano niya maililigtas si Gia.

Dahil sa kagustuhan ng ahas na makuha si Gia, dinala niya ito sa mapanlinlang na panahon.

Habang hawak ng kalaban ang buhay ni Gia, hindi naman huminto si Leon sa pagsagip sa kanyang kasintahan.

Muling naalala ni Leon ang sakit sa totoong dahilan ng pagkamatay ng kanyang first love.

Kaya naman pinipilit niyang mailigtas si Gia sa posibilidad na mangyari din dito ang sinapit noon ni Aida.

Kung noon ay hindi nagawang iligtas ni Leon ang kanyang iniibig, ngayon ay desidido na ang gumiho na mas ingatan ang kanyang kasintahan.

Habang patuloy na nag-iingat mula sa mga gustong pumatay sa kanya, mas mapapalapit pa si Gia sa isang makapangyarihang nilalang.

Upang mas madaling magawa ang masamang mga plano, nagpanggap na intern ang ahas at pumunta ito sa mismong pinagtatrabahuhan ni Gia.

Hindi naman inakala ng ahas na magkakaroon ng ideya si Gia tungkol sa kanyang pagpapanggap bilang isang mortal.

Kung si Leon ay patuloy na gumagawa ng paraan upang matalo ang ahas, ang half-brother naman niya na si Ram ay tila kumakampi at nakikipagtulungan pa sa kalaban.

Kahit na nabahiran ng lungkot ang buhay nina Leon at Ram noon, mas nanaig pa din ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Sabay nilang nilabanan ang kanilang kaaway at unti-unti naming naaayos ang kanilang relasyon bilang magkapatid.

Abangan ang mahiwagang istorya nina Gia, Leon at Ram sa Tale of the Nine Tailed mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang 'Tale of the Nine Tailed' actor na si Kim Bum sa gallery na ito: