GMA Logo Family feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Talented at bibong child stars, magpapasiklaban sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published October 27, 2026 11:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Alan Cayetano's call to reject VP post premature
CINEMA LIST: Here's where you can watch 'Red Crown'
NAIA gives a look at new bus gate in Terminal 2

Article Inside Page


Showbiz News

Family feud


Narito ang mga cute contestants ng Team Sunshine at Team Rainbow na maglalaro ngayong October 27 sa 'Family Feud.''

“Ober sa tawa at ober sa saya” ang Martes dahil sa tagisan ng galing, talino, at bilis sa pagsagot ng mga talented na child stars sa Family Feud.

Ngayong October 27, mapapanood ang mga child stars ng Team Rainbow at Team Sunshine.

Tampok sa Team Rainbow sina Aleisha Jean Hunwick, 11, na gumanap bilang young Charlie Fleming sa The Master Cutter; Chlouie Paclian, 9, na napanood sa Magpakailanman at Pepito Manaloto; Ashley de Vera, 10, na tampok sa Whispers in Heaven at The Master Cutter; at Stephanie Tolentino, 10, ang aspiring chef between projects.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Hindi rin magpapatalo ang mga child stars ng Team Sunshine na binubuo nina Adrian Adams, 12, isang barista-in-training; Zion Narandan, 10, na mahilig sa taekwondo; Samson Gonzales, 9, na hilig ang pagsasayaw at pagluluto; at Dreamiel Caspe, 11, na aktibo sa swimming, boxing, at may Michael Jackson-style dance moves.

Aling grupo ng child stars ang magwawagi? Abangan sa fresh episode ng Family Feud ngayong October 27, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa buong detalye.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.