
Talented and energetic kids ang aabangan sa exciting na Tuesday episode ng Family Feud!
Ngayong June 9, mapapanood ang tapatan ng Little Scene-Stealers at Future Pop Idols sa kiddie edition ng Family Feud. Ang Family Feud Philippines sa GMA ay ang kauna-unahang gumawa ng kiddie edition sa history ng Family Feud franchise sa buong mundo.
Maglalaro sa Little Scene-Stealers ang mga young actors and performers na nagpapakita ng husay sa showbiz at iba't ibang larangan. Pinangungunahan sila ni Sameer Apruebo Zayed na napanood sa hit movie na Rewind.
Kasama niya si Gian Luca Geroue o mas kilala bilang “Boy Panda.” Isa siyang certified SB19 fan at kamakailan ay pinuri ng marami matapos gampanan ang batang karakter ni Miguel Tanfelix sa Taskforce Firewall. Hindi rin pahuhuli si Leon Edward Emmanuel Vanderson na bukod sa pagiging performer ay isa ring Taekwondo black belter at international drums gold medalist. Kumukumpleto sa grupo si Chloe Sofia San Pedro na marunong umarte, kumanta, magpinta, at tumugtog ng piano kaya naman isa siya sa pinaka-versatile na young performers sa kanilang grupo.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Makakaharap nila sa Family Feud stage ang Future Pop Idols, ang grupo ng mga batang performers na may world-class na talento pagdating sa musika at performing arts.
Nangunguna rito si Cloud Siegfrid Ramos, isang energetic young artist na mahusay sumayaw, umarte, at tumugtog ng gitara. Kasama rin si Jenna Helena Nathalia Vanderson na parehong magaling sa sports at musika dahil isa siyang Taekwondo black belter at international violin gold medalist. Samantala, magpapakitang-gilas naman si Arizal Henry Manuel na kilala sa kaniyang freestyle popping skills na isang street dance style, at si Skye Benoya Regis, isang batang singer at pamangkin ng OPM icon na si Sheryn Regis.
Panoorin ang masaya, exciting, at puno ng good vibes na fresh episode ng Family Feud ngayong June 9, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.