What's on TV

Tambalan #AntSy sa 'Daddy's Gurl,' tinalo ang ratings ng karibal na programa

By Aedrianne Acar
Published February 11, 2019 2:28 PM PHT
Updated February 11, 2019 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: January 19, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Certified trending ang #DADDYSGURLMyFunnyValentine kung saan muling napanood ang kulitan at kilig na hatid nina Stacy [Maine Mendoza] at Sir Anton [Ruru Madrid].

We love #AntSy!

Ito ang sigaw ng mga Kapuso at dabarkad na tumutok sa reunion ng mga karakter nina Maine Mendoza at Ruru Madrid sa patok na sitcom na Daddy's Gurl last Saturday, February 9.

Certified trending ang #DADDYSGURLMyFunnyValentine kung saan muling napanood ang kulitan at kilig na hatid nina Stacy [Maine Mendoza] at Sir Anton [Ruru Madrid].

Kilalanin ang pasosyal daughter na si Stacy sa 'Daddy's Gurl'

Sa Tweet ng Kapuso hunk na si Ruru Madrid, taos-puso siyang nagpasalamat sa buong team ng Daddy's Gurl na muli siyang naimbitahin sa comedy show nila Bossing at Menggay.

Aniya “Thank you so much po sa lahat ng nanood ng #DADDYSGURLMyFunnyValentine i am very happy na nandito po ulit ako sa show na ito. Sobrang saya lang talaga sa set at ang babait ng lahat ng tao! Sana maulit ito! Thank you @DirekChrisM and sa lahat ng cast lalo na kay @mainedcm :)”

Base din sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement) People ratings ng Nielsen TV Audience Measurement, wagi ang Daddy's Gurl noong February 9 kontra sa katapat nitong programa.

Bumuhos din ang comments ng netizen na pinuri ang magandang chemistry nina Maine at Ruru sa Daddy's Gurl.