What's on TV

Tambalan nina Abdul Raman at Shayne Sava, masusubukan sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published July 15, 2021 7:06 PM PHT
Updated July 15, 2021 8:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Abdul Raman and Shayne Sava


Kabilang sa bigating cast ng upcoming GMA Telebabad series na 'Legal Wives' sina 'StarStruck' alums Abdul Raman at Shayne Sava.

First regular teleserye nina StarStruck season 7 alums Abdul Raman at Shayne Sava ang upcoming family drama na Legal Wives.

Gaganap sila bilang mga batang Muslim sa serye.

Si Shayne, na tinaguriang StarStruck season 7 Ultimate Female Survivor, ay si Jamilah, bahagi ng mayamang angkan ng mga Makadatu.

Shayne Sava Legal Wives


Masaya raw siya na maging bahagi ng makabuluhyang serye na magpapakita ng isang kultura na hindi kaagad naiintindihan ng marami.

"'Pag sinabi po nating polygamy, iisipin po natin kaagad na it's wrong lalo na sa Catholic. Noong una po, parang iniisip ko, mali talaga siya. Tapos noong in-explain na po sa amin, noong nag-briefing na po kami, doon ko po nalaman na it's not just about love po. Hindi lang po siya tungkol doon. Marami pa po palang pwedeng factors or reasons kung bakit nagpapakasal ang mga Muslim or 'yung ibang mga religion na nagpa-practice ng polygamy," pahayag niya sa isang online interview kasama ang ilang miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com.

Si Abdul naman ay si Hammad, isang Muslim na laki sa hirap. May mabubuong pagtitinginan sa pagitan ng dalawa pero magiging hadlang ang magkaibang estado nila sa buhay.

Abdul Rahman Legal Wives


Malaking pagkakataon daw para kay Abdul na ipakita sa isang primetime series ang worth niya bilang aktor. Pero may mas malalim pa daw na personal purpose ang Legal Wives para sa kanya.

Isang practicing Muslim si Abdul at lumaki siya sa United Arab Emirates.

"Noon pa kasi I only wanted this for myself and my family. Pero the more I did it--kasi I was experiencing the racism or Islamophobia from people--parang sabi ko maybe this is my objective in life na I represent my religion in a good way, in a good light," pahayag ni Abdul sa isang online interview kasama ang ilang miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com.

"Tapos dumating nga 'yung Legal Wives. Sabi ko, wow, the stars are aligning. It is a good thing. Diversity in general is a good thing. Lalo na with Islam, it's misrepresented talaga a lot. With all the bad things happening in the world, this is a good show na ipakita ang good side ng Islam," dagdag pa niya.

Abangan sina Abdul at Shayne sa world premiere ng Legal Wives, July 26 sa GMA Telebabad!