
Mainit ang naging pagtanggap ng mga netizens at television viewers sa tambalan nina Rhian Ramos at Jason Abalos sa GMA Telebabad series na The One That Got Away.
Noong una pa lang silang ipinagpares bilang ang mga karakter na sina Zoe at Gael, kitang kita na kaagad ang chemistry ng dalawa.
WATCH: Tambalan nina Rhian Ramos at Jason Abalos sa 'The One That Got Away,' kinagiliwan ng netizens
Pero lalo pa silang kinagiliwan sa episode kagabi, March 6, dahil sa bonding moments nila kasama si Nemo (Euwenn Aleta).
Bentang benta din ang kanilang nakakakilig na kulitan habang nagsa-shopping. Nagsuot pa ng terno-ternong T-shirts ang tatlo.
Panoorin ang binansagang Team Zo-El sa most-talked about scene ng The One That Got Away kagabi.
Patuloy na subaybayan ang The One That Got Away, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.