
Muling pinatunayan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion ang lakas ng kanilang tambalan sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa nakalipas na apat na Linggo ng gabi.
Bumida ang dalawa sa holiday special ng award-winning weekly magical anthology na 'All By My Elf' na nakapagtala ng matataas na TV ratings sa Sunday primetime.
Ang finale episode noong January 8, nakakuha ng 9.2 percent sa NUTAM People Ratings na nagpataob sa katapat nitong programa.
Unang napanood ng mga Kapuso ang tambalan nina Sanya at Gabby sa primetime series na First Yaya (2021) at sa sequel nito na First Lady (2022).
Kaya kung gusto n'yo ng isang makabuluhang family bonding tuwing Linggo, nood na ng Daig Kayo Ng Lola Ko, bago ang Happy ToGetHer.
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
HERE ARE MORE SWEET MOMENTS OF SANYA LOPEZ AND GABBY CONCEPCION HERE: