GMA Logo David Licauco at Barbie Forteza
Source: barbaraforteza, davidlicauco (Instagram)
What's Hot

Tambalang David Licauco at Barbie Forteza, endgame na? David, single ba ngayon?

By Jimboy Napoles
Published January 29, 2023 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco at Barbie Forteza


Alamin ang latest tungkol sa on-screen at personal relationships nina Barbie Forteza at David Licauco RITO:

Big break para sa Kapuso actor na si David Licauco ang gampanan ang karakter niya bilang si Fidel sa historical-portal fantasy series ng GMA na Maria Clara at Ibarra, kung saan mas napansin din ang chemistry nila ng kanyang on-screen partner na si Barbie Forteza.

Sa katunayan, ang kanilang tambalan sa serye bilang FiLay o Fidel at Klay ang isa sa mga inaabangan ng mga manonood.

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, marami na ang nag-aabang kung ano ang naghihintay sa kanilang nabuong love team.


Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, may pahiwatig ang dalawa sa mga nag-aabang sa kanilang tambalan.

“It's a pleasure to work with Barbie so hopefully after this siya pa rin ang makakasama ko,” ani David.

Dagdag naman ni Barbie, “I look forward to seeing more of David this 2023. There's just so much to look forward to.”

Kuwento pa ng dalawa, walang dapat ikabahala ang fans ni Barbie at ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto dahil nananatili silang solid gayundin ang friendship nila kay David.

Ayon pa sa report, dahil sa single by choice si David, nagbigay ng hint si Barbie kung paano niya mapapa-feel special ang isang babae lalo na ngayong nalalapit na ang Valentine's Day.

“Patikim naman ako ng 'Kuya Korea', sa tagal naman nating magkatrabaho hindi ko man lang natitikman 'yun,” pabirong sinabi ni Barbie kay David.

Panoorin ang "Chika Minute" report:


SILIPIN NAMAN ANG THIRST TRAP PHOTOS NI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: