Article Inside Page
Showbiz News
Muling magsasama ang dating magkasintahan na sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes sa upcoming GMA Telebabad series na 'My BFF.' Ano ang reaksyon ni Bing Loyzaga sa balik-tambalan ng dating magka-love team?
By SAMANTHA PORTILLO
Maraming reunions sa upcoming GMA Telebabad series na My BFF. Muling magsasama ang dating Luna Blanca co-stars na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey. Ang patok na ‘80s love team nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes, muli ring mapapanood dito.
Sa istorya, best friends ang mga karakter nina Jillian at Mona. Kakaibang friendship ito dahil isang multo ang karakter ni Jillian.
Gumaganap naman sina Janno at Manilyn bilang mga magulang ng karakter ni Mona.
Sa ulat ng Balitanghali, tinanong sa press conference ng My BFF si Janno kung nagseselos ba ang kanyang asawa na si Bing Loyzaga. Hindi lang dating magka-love team sina Janno at Manilyn, kundi dati ring magkasintahan.
Sagot ni Janno, “Ilang beses na silang nagkikita. We have pictures together.”
Dagdag naman ni Manilyn, na kasal sa dating aktor na si Aljon Jimenez, “Matagal na panahon na iyon. Nagkikita naman kami, so I don’t see a problem.”