What's on TV

Tambalang Katrina Halili at Bruce Roeland, mapapanood sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published January 28, 2021 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili and Bruce Roeland


Magkasamang bibida sa isang episode ng '#MPK' sina Katrina Halili at Bruce Roeland.

Bibigyang-buhay ng kapwa Kapuso stars na sina Katrina Halili at Bruce Roeland ang kuwento ng bawal na pag-iibigan sa isang episode ng real-life drama anthology #MPK o Magpakailanman.

Source: roelandbruce IG and katrina_halili IG


Gaganap kasi si Bruce bilang 15-taong gulang na si Bong, habang si Katrina naman ay ang stepmother niyang si Mikaela.

Magkakaroon ng ipinagbabawal na relasyon ang dalawa. Itatago naman nila ito sa ama ni Bong at kinakasama ni Mikaela na si Ambet, na gagampanaman naman ng beteranong aktor na si Alan Paule.

Bukod sa kanila, bahagi din ng episode sina Dion Ignacio, Kelvin Miranda, Marc Justine Alvarez, Gigi Locsin, Ana Castro at Jun Palatao.

Salat sa pagmamahal ng isang ina si Bong dahil noong mga bata pa lang sila, iniwan na sila ng kanilang ina.

Laking tuwa ni Bong at ng kanyang mga kapatid nang ipakilala sa kanila ni Ambet ang bago nitong kinakasamang si Mikaela.

Magiging close naman si Bong kay Mikaela, pero sa 'di inaasahang pagkakataon, mauuwi ito sa magandang pagtitinginan nilang dalawa.

Itatago man nila ito kay Ambet, kalaunan ay masisiwalat din ang kanilang sikreto.

Ito ba ang magiging dahilan ng pagkakabuwag ng kanilang pamilya?

Huwag palamapsin ang episode na pinamagatang "Mahal Ko ang Asawa ng Ama Ko" ngayong Sabado, January 30, 8:00 pm sa '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa naturang episode sa gallery na ito.