What's on TV

Tambalang Ken Chan at Arra San Agustin, mapapanood sa 'The Cure'

By Bianca Geli
Published April 16, 2018 12:22 PM PHT
Updated April 16, 2018 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Isa sa mga aabangan na tambalan sa 'The Cure' sina Ken Chan at Arra San Agustin. Alamin kung ano ang kanilang gagampanang karakters sa bagong serye na ito.

Isa sa mga aabangan na tambalan sa The Cure sina Ken Chan at Arra San Agustin. Mapapanood sila bilang mag-asawang bagong kasal na haharapin ang pagsubok na dulot ng epidemya.

 

Happy na ako ?? #TheCure #TheCureStoryCon

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on


Nagkasama na dati sa Maynila at Meant to Be sina Ken at Arra kaya't kilala na raw nila ang isa’t isa.

Ayon kay Arra, “Okay si Ken kasama kasi makulit siya sa set. Kunwari may galit siya na eksena, so magagalit siya, tapos titingin siya sa ’kin tapos pinapatawa ko siya. Kapag ‘yung camera naka-pan na sa kaniya, tina-try ko siyang patawanin.”

Ikinuwento naman ni Ken ang similarities nila ni Arra. Bahagi niya, “Makulit din itong si Arra 'tsaka sweet, masarap kausap kasi adventurous siya. Nagda-dive rin, ang dami kong natutunan sa kaniya."

Dagdag niya, “Lahat kinikilig kay Arra, pati ako. Sino ba namang hindi kikiligin? Ang ganda niya."

Masaya rin daw si Arra na si Ken ang magiging ka-love team niya sa The Cure dahil kumportable na siya rito. “Actually natuwa [ako] kasi alam ko na comfortable na ako kasama si Ken tsaka funny siya so, it brings fun to the set.”

Excited na rin ang dalawa sa pag-ere ng The Cure. “Masaya so far, kakaiba kasi siya. Kakaiba ‘yung story, first time ko itong gawin,” pagtatapos ni Arra.