GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Tambalang #RaStro, sasabak sa Family Feud vs. 'Graduation Day' cast

By Maine Aquino
Published March 18, 2026 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Spurs bury 25 treys, rout Kings and sweep season series
LRT-1, LRT-2 to halt operations from Maundy Thursday to Easter Sunday for maintenance
GMA Network Radio Stations Reaffirm Leadership in Mega Manila for February 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang tapatan ng cast ng 'I Fell, It's Fine' at 'Graduation Day' ngayong March 18 sa 'Family Feud.'

Miyerkules na may saya, tawanan, at friendly rivalry ang mapapanood sa Family Feud.

Sa March 18, ipagpapatuloy ang “Four-ever ang tawa, Four-ever ang saya” anniversary ng Family Feud sa tapatan ng dalawang celebrity teams na bibida sa kani-kanilang latest film projects.

Mangunguna sa Team In-Love ang GL tandem nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro, na kilala ng fans bilang “RaStro.” Sila ay unang minahal ng publiko bilang sina Jade at Althea sa groundbreaking 2015 Kapuso series na The Rich Man's Daughter, na kinilala bilang isa sa mga unang mainstream GL love stories sa Philippine television.

Ngayong 2026 muli silang magsasama para sa I Fell, It's Fine. Makakasama nila sa Team In-Love ang kapatid ni Glaiza at kabilang sa supporting cast ng pelikula na si Alchris Galura at ang social media personality na si Ice Arago.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Makakaharap nila sa Family Feud stage ang Team Farewell, na pinangungunahan ng Kapuso actor-singer na si Jeric Gonzales. Makakasama niya ang kanyang mga co-stars na sina Angellie Sanoy, Rico Barrera, at Mygz Molino. Sila ang mga mapapanood sa upcoming drama film na Graduation Day, na tungkol sa kuwento ng isang lola na sumusuporta sa pangarap ng kanyang apo sa iba't ibang kahulugan ng “graduation” sa totoong buhay.

Abangan ang exciting na celebrity tapatan na ito sa Family Feud. Mapapanood ito sa March 18, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Hating Kapatid, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.