
Ngayong Lunes, April 24, mapapanood na ang pinakabagong Lakorn series ng GTV, ang The Love Trap, na pinagbibidahan ng Thai stars na sina Tao Sattaphong Phiangphor at Fern Nopjira Lerkkajornnamkul bilang King at Pearl.
Makakasama nina King at Pearl sa kanilang kakaibang time travel adventure sa fantasy mystery series sina Puri Hiranprueck (Tomas), Ben Raviyanun Takerd (Mutya), Amy Amika Klinpratoom (Imelda), at Tye Nattapol Leeyawanich (Danilo).
Ang The Love Trap ay iikot sa pagresolba nina King at Pearl ng murder case na kanilang kinasasangkutan sa kasalukuyan at nakaraan.
Magsisimula ang kuwento sa paghahanap ni King, isang police investigator, ng clue sa murder case ng isang sikat na restaurant owner. Nang mahulog sa ilog kasama si Pearl, isang dessert chef na pinagsususpetsahang may kinalaman sa murder case, ay bigla na lamang silang bumalik sa taong 1913.
Sa paghahanap ng paraan kung paano makababalik sa kasalukuyan, nadawit sina King at Pearl sa isang murder case ng isang mayamang pamilya.
Subaybayan ang The Love Trap, Lunes hanggang Biyernes, 2:45 p.m. sa GTV.
SAMANTALA, KILALANIN SI TAO SATTAPHONG PHIANGPHOR SA GALLERY NA ITO: