GMA Logo Zoren Legaspi and Ashley Ortega on MPK
What's on TV

Tambalang Zoren Legaspi at Ashley Ortega, tampok sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published April 29, 2020 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Localized thunderstorms to bring rain over Metro Manila, rest of PH — PAGASA
Creating with the boundless soul of an artist
Singapore Oceanarium spotlights native seahorses through exclusive guided experience

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi and Ashley Ortega on MPK


Bibigyang buhay nina Zoren Legaspi at Ashley Ortega ang isang May-December love story na nagsimula sa pagsakay ng bus sa '#MPK.'

Tampok ang tambalang Zoren Legaspi at Ashley Ortega sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang buhay nila ang kuwento nina Aurelio at Menchie, dalawang taong unti-unting nagkapalagayan ng loob matapos magkakilala sa bus.

Marami ang tumutol sa kanilang relasyon dahil malaki ang agwat ng kanilang mga edad.


Una itong umere noong February 2, 2019 at nagwagi sa ratings laban sa kasabay na palabas sa kabilang estasyon. Nagtala ito ng 12.4% viewership, ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, mas mataas kaysa sa 9% na naitala ng kasabay na palabas.

Umani din ito ng papuri mula sa netizens at maging sa tunay na Aurelio at Menchie, na nagpasalamat sa wastong pagsasadula ng kanilang kuwento.

Samantala, iniimbitahan naman ni Ashley ang mga manonood na tunghayan ang kanilang episode na pinamagatang "Busta't Kasama Kita."


Huwag palampasin ang "Busta't Kasama Kita," ngayong May 2, 8:50 pm sa #MPK.