GMA Logo Sassa Gurl and Ryan Bang
Photo by: Ryan Bang/Youtube
What's Hot

Tandem nina Sassa Gurl at Ryan Bang, kinaaliwan online

By Kristine Kang
Published May 18, 2025 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Sassa Gurl and Ryan Bang


Marami ang natuwa sa kulitan nina Sassa Gurl at Ryan Bang!

Hindi mapigilan ng netizens ang tawanan sa vlog collaboration ng dalawang komedyante at internet personalities na sina Sassa Gurl at Ryan Bang.

Sa vlog na inilabas kamakailan, binisita ni Sassa ang Korean salon ni Ryan sa Quezon City.

Sa simula pa lang ng video, ramdam na agad ang chemistry ng dalawa.

"May boyfriend ka ba ngayon?" simpleng tanong ni Ryan.

"Ngayon wala. Mga awra-awra lang," sagot ni Sassa.

Sinundan ito ng isang hirit mula kay Ryan, "Boyfriend mo si Awra (Briguela)?"

Agad namang sagot ni Sassa, "Sinong Awra? Jusko naman! Manginig ka naman!"

Hindi lang sila ang nagpapasaya, maging ang mga staff ni Ryan ay nadamay sa biruan. Lalo na nang mapansin ni Sassa ang dalawang guwapong staff ng It's Showtime host, isang Pinoy at isang Koreano.

"Si Sir Kevin," pinakilala ni Ryan.

"Nice to meet you," bati ng Korean barber.

"Nice to meet you. How are you? Saranghaeyo (I love you)," mahinhin sagot ni Sassa.

Napa-react si Ryan, "I love you agad?"

"Ay! I love you ba 'yun? Kala ko hello lang," sagot ni Sassa na ikinatawa ng lahat.

Related gallery: Celebrities who are building wealth through their businesses

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 39,000 views at 1,200 likes ang vlog sa YouTube, at patuloy pang kinakalat ng netizens ang clips at memes ng nakakatuwang tandem.

Mapapanood si Ryan Bang sa fun noontime program na It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, abangan naman si Sassa Gurl sa upcoming GMA travel show na Be Cool, kasama sina Kim Ji Soo, Richard Juan, at Bey Pascua.