
Muling binuksan ng TiktoClock ang auditions para sa tinutukang Tanghalan ng Kampeon.
Ang Tanghalan ng Kampeon ay muling magbabalik para sa panibagong season sa 2026.
Pagkatapos ng matagumpay na tatlong seasons ng Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock kung saan nanalo sina MC Mateo, Tala Gatchalian, at Bjorn Morta, magsisimula na ulit ang paghahanap sa mga Pilipinong may pusong kampeon.
Para sa mga gustong sumali at mag-audition, pumunta lamang sa GMA Network Studio 6 ng Miyerkules at Huwebes, 1:00 p.m. to 5:00 p.m. sa GMA Studio 6.
Sali na sa Tanghalan ng Kampeon para ipakita ang pangkampeon na talento sa TiktoClock!
Patuloy na manood ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA NAGANAP SA GRAND FINALS NG TANGHALAN NG KAMPEON 2025: