
Ngayong 2026, magbabalik ang tanghalang nagbibida sa mga pusong kampeon.
Sa February 16, muling bubuksan ang "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock.
Patuloy na bibigyang pagkakataon ng "Tanghalan ng Kampeon" ang aspiring singers na ipakita ang kanilang husay at pangarap na masilayan sa tanghalan. Ngayong 2026, exciting ang magiging laban ng mga contestants na maghaharap araw-araw sa "Tanghalan ng Kampeon".
Nasubaybayan ng mga manonood sa tatlong season ng "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock ang mga kampeon na sina MC Mateo, Tala Gatchalian, at Bjorn Morta. Ngayong 2026, may panibagong kampeon na ipakikilala ang TiktoClock.
Abangan ang "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock simula February 16, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA NAGANAP SA GRAND FINALS NG 'TANGHALAN NG KAMPEON 2025':