GMA Logo Tanghalan ng Kampeon contestant eula bautista
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

'Tanghalan ng Kampeon' contestant na si Eula Bautista, inilahad ang nangyari sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published March 11, 2026 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BuCor denies scabies outbreak at NBP, other prison and penal farms
Atom Araullo on doing documentaries: "It's a collaboration"
Alleged rebel nabbed for slay of MisOr ex-brgy exec

Article Inside Page


Showbiz News

Tanghalan ng Kampeon contestant eula bautista


Narito ang pahayag ni Eula Bautista, ang nahimatay na "Tanghalan ng Kampeon" contestant habang nagpe-perform.

Mabuti na raw ang kalagayan ng contestant ng Tanghalan ng Kampeon na si Eula Bautista matapos itong mawalan ng malay habang nagpe-perform.

Ngayong March 11, nagsimula ang TiktoClock sa pagbibigay ng update sa nahimatay na contestant na si Eula Bautista.

Kuwento ni Eula, "Kumakanta po ako e tapos bigla na lang nag-black out."

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Inilahad ni Eula ang resulta kung bakit siya nahimatay sa gitna ng kaniyang performance.

"Ang sabi po ng medic, 'yung case po na nangyari sa akin is lack of oxygen and number one cause is 'yung corset na suot-suot ko."

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Eula sa mga nakapanood ng nangyari sa kaniya sa "Tanghalan ng Kampeon".

"Hello po sa mga nanonood po. Mga Kapuso, okay lang po ako. Huwag po kayong mag-alala. Patuloy naman po ang laban natin."



Samantala, ibabahagi rin sa TiktoClock ang desisyon ng inampalan sa "Tanghalan ng Kampeon".

Patuloy na subaybayan ang "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.