GMA Logo Tanghalan ng Kampeon grand finalist Audrey Malaiba
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

'Tanghalan ng Kampeon' grand finalist Audrey Malaiba, may pinakamaraming bashers sa mga contestants?

By Maine Aquino
Published June 4, 2024 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Tanghalan ng Kampeon grand finalist Audrey Malaiba


Alamin ang kuwento ni Audrey Malaiba, ang undefeated kampeon ng 'Tanghalan ng Kampeon' tungkol sa kaniyang mga bashers.

Inilahad ni Audrey Malaiba ang kaniyang mga hinaharap na comments mula sa mga bashers simula na siya ay nakilala sa “Tanghalan ng Kampeon.”

Si Audrey ang undefeated kampeon sa Tanghalan ng TiktoClock dahil siya ay nanalo ng sampung beses sa tinututukang singing contest. Siya ay isa sa mga aabangang grand finalists sa “Tanghalan ng Kampeon.”

Pag-amin ni Audrey sa kaniyang interview sa GMANetwork.com, "Ako po yata 'yung may pinakamaraming bashers dito. Kasi simula noong day one hanggang day 10, halos lahat po ng bashers ay active sila. Talagang may time sila na i-bash ako."

PHOTO SOURCE: TiktoClock


Ikinuwento ni Audrey na marami mang hindi pabor sa kaniyang mga performance, binabasa pa rin niya ang bawat komentong nakikita niya sa social media. Para kay Audrey, ito ay dahil dito siya nakakakuha ng mga dapat i-improve sa mga susunod na performance.

"Hilig ko po kasi na magbasa ng comments. Good or bad, kasi sila 'yung nagiging motivation ko para mas lalo akong mag-improve, para mas lalo ko pang galingan."

Dugtong pa ng “Tanghalan ng Kampeon” grand finalist, "'Yung mga sinasabi po nila na ganito ganiyan, tinitingnan ko rin naman 'yung mga performances ko at hinahanap ko 'yung kung ano ba 'yung napapansin nilang mali. 'Yun po 'yung ini-improve ko at 'yun po 'yung pinagbubutihan kong gawin para next time wala na silang masasabi."

Patuloy na tumutok sa TiktoClock para sa bangaan ng boses sa "Tanghalan ng Kampeon."

"Masaya Dito!" kaya manood ng TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network at sa GTV. Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.

KILALANIN ANG IBA PANG GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON SA TIKTOCLOCK: