
Bubuksan na ang tanghalang nagbibida sa mga pusong kampeon simula ngayong February 16
Simula Lunes, ipakikita na muli sa Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock ang mga bagong talento, inspirasyon, at makapigil-hiningang pagtatanghal.
Sa Tanghalan ng Kampeon 2026, asahan ang mas matinding bakbakan sa kantahan, mas kapanapanabik na mga performances, at pagalingan para makakuha ng mataas na puntos mula sa mga inampalan.
Samantala, sa mga nais sumali at mag-audition sa Tanghalan ng Kampeon, pumunta lamang sa GMA Network Studio 6 ng Miyerkules at Huwebes, 1:00 p.m. to 5:00 p.m. sa GMA Studio 6.
Tutukan ang Tanghalan ng Kampeon 2026 simula February 16 sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network.
BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA GRAND FINALS NG TANGHALAN NG KAMPEON 2025: