GMA Logo niel briones at yannie basical
PHOTO SOURCE: TiktoClock/ Facebook: Yannie Paul C. Basical
What's Hot

Tanghalan ng Kampeon winner Niel Briones, nakatanggap ng pagbati mula kay Tawag ng Tanghalan champ Yannie Basical

By Maine Aquino
Published June 26, 2026 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking bag-ong graduate sa kolehiyo, samdan human gipusil I One Mindanao
Temperatures forecast to reach exceeding 30° Celsius in Chamonix
Pinoy energy electrifies '&FRIENDS Festival 2026'

Article Inside Page


Showbiz News

niel briones at yannie basical


Alamin ang mga mensahe ng dalawang singing champions ng 'TiktoClock' at 'It's Showtime' na sina Niel Briones at Yannie Basical.

Nagpalitan ng mensahe ang dalawang singing champions ng TiktoClock at It's Showtime ang tungkol sa kanilang pagkakapanalo nitong Hunyo.

Si Niel Briones ay idineklarang grand champion ng "Tanghalan ng Kampeon" season 4 sa TiktoClock noong June 12. Samantala, si Yannie Paul Basical naman ang nagwagi sa"Tawag ng Tanghalan" season 10 ng It's Showtime noong June 13.

Sa post ni Niel sa Facebook, inilahad niya ang kaniyang kuwento sa kantang nagpanalo sa kaniya bilang grand champion sa "Tanghalan ng Kampeon."

"Higit pa sa isang kanta, story na ng buhay ko 'to. Dahil sa kantang "Risk It All," naging kampeon ako. Sobrang laki ng naging impact nito sa kung sino ako ngayon, kaya it will never be just an ordinary song to me."

Niel Briones and Yannie Basical

PHOTO SOURCE: Facebook: Niel Briones

Makikita naman sa post na ito ang mensahe ni Yannie, "Congrats po!"

Sagot naman ni Niel, "Yannie Paul C. Basical woah ✨thank you brooo, congratulations din sa pagkapanalo mo, very well deserved! #tntseason10grandchampion"

Samantala, bukas na ang auditions para sa "Tanghalan ng Kampeon" Season 5. Para sa kabuuang detalye, bisitahin lamang ang official social media accounts ng TiktoClock.

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Patuloy na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.