
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa October 23 (Biyernes) episode nito, mabilis na nabisto ng mga diwata na nagbabalatkayo lamang si Avria bilang si Cassiopea (Solenn Heussaff) kaya't hindi nila isinauli ang mga Brilyante sa sinaunang Diwata.
Dahil palpak ang kaniyang unang plano, muli siyang babalik sa Lireo upang nakawin ang mga makapangyarihang Brilyante.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.