
Sa episode 154 ng Kambal, Karibal, pinagtangkaan ni Cheska (Kyline Alcantara) ang buhay ni Diego (Miguel Tanfelix) habang mag-isa ito sa elevator.
Ginawa ito ni Cheska, na isang espiritu, para mas madali niyang mabawi ang kanyang katawan kay Crisel (Pauline Mendoza).
Samantala, naisipan nina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas) na takasan si Maricar (Sunshine Dizon) para hindi nito makuha si Crisel, na nasa katawan ni Cheska.
Tila hindi sang-ayon dito si Crisan (Bianca Umali) kaya naman muli na namang namuo ang galit ni Crisel sa kanyang kakambal.
Panoorin ang mga eksena iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode DITO.
Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Biyernes, 10:00 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.
Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.