GMA Logo Running Man Philippines
What's on TV

Tanong sa Flying Chair Game ng 'Running Man Philippines,' viral ngayon sa TikTok

By Aedrianne Acar
Published September 5, 2022 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Philippines


Alam n'yo rin ba Pinoy Runners ang sagot sa tanong na ito kina Ruru Madrid at Angel Guardian?

Walang dudang tinangkilik ng Pinoy viewers and first two episodes ng Running Man Philippines na umere nitong September 3 and September 4.

Panay rin ang Tweet ng mga Pinoy Runners ng mga favorite scenes nila, kaya naman trending ang #RunningManPh at #RMPhFirstRace nitong weekend.

Samantala, patok naman sa TikTok ang isa sa mga tanong sa kinaaliwan na Flying Chair Game kagabi.

Tanong kina Ruru Madrid at Angel Guardian: Anong bahagi ng katawan ng tao ang pinakamalaki kapag nasa teenage years siya?

Wala pang isang araw matapos ma-post ang video, umani na ito ng 2.5 million views at nakakuha na ito ng mahigit 88,000 likes.

@gmarunningmanph And the answer is....? #RunningManPH #RunningManPhilippines #GMA ♬ original sound - GMARunningManPH

Dagsa rin ang papuri ng netizens sa GMA-7 at SBS Korea para sa highly-entertaining episodes ng Running Man Philippines.

Mapapanood ang biggest reality show ng Kapuso Network tuwing Sabado, 7:15 p.m. at sa Linggo naman tumutok sa ating mga celebrity Runners sa oras na 7:50 p.m.

LET'S TAKE A QUICK TOUR IN SOUTH KOREA WITH OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: