
Sina Tanya Ramos at Rob Gomez ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Magpapakilig sila sa workplace romance episode na "Frozen Heart."
Gaganap si Tanya bilang Queenie, CEO ng isang ice cream company. Naging terror boss si Queenie dahil sa kanyang "brokenhearted syndrome." Malalagay ang buhay niya sa panganib kung makaramdam siya ng matinding emosyon tulad ng heartbreak.
Si Rob naman ay si Randolf, ang gwapo at charming na bagong empleyado ni Queenie.
Si Randolf na ba ang magpapalambot ng matigas na puso ni Queenie?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE RITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Frozen Heart," July 20, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.