
2026, taon natin 'to!
Patuloy na maghahatid ng mas malupit, mas maangas, at mas mabangis na mga kuwento ang GMA Prime, ang primetime block ng GMA Network.
Nangunguna pa rin diyan ang much loved telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Nasa mundo ng mga tao ang mga New Gen Sang'gre na sina Terra (Bianca Umali), Flamarra (Faith da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Deia (Angel Guardian) para harapin si Gargan (Tom Rodriguez).
May nabubuo ring panibagong banta sa Encantadia dahil sa pagsasanib-puwersa nina Hagorn (John Arcilla) at Mitena (Rhian Ramos).
Wholesome na katatawanan at makapigil-hiningang aksiyon naman ang hatid ng action-comedy series na Sanggang Dikit FR.
Hindi natatapos ang mga kasong hinaharap ng mga pulis na sina Tonyo (Dennis Trillo) at Bobby (Jennylyn Mercado).
May oras pa ba silang ituloy ang naudlot nilang love story, lalo na ngayong tila nagkakalabuan na si Bobby at boyfriend niyang si Jared (Rayver Cruz)?
Mapapanood pa rin ang makukulay na personalities ng mga kabataang Pinoy sa reality show Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Ipapakita nila ang kanilang mga talento sa iba't ibang tasks na inihanda ni Kuya.
Sino sino sa mga Kapuso at Kapamilya housemates ang mananatili sa Bahay Ni Kuya?
Sa 'tin ang lupit. Sa 'tin ang angas. Sa 'tin ang bangis. Ngayong 2026, atin pa rin ang primetime!
Patuloy na panoorin ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m., Sanggang Dikit FR, 8:55 p.m., at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, 9:40 p.m. sa GMA Prime.