
Sa episode 142 ng Kambal, Karibal, nagkamakaawa si Maricar (Sunshine Dizon) kay Geraldine (Carmina Villarroel) na ibalik na si Grace, orihinal na pangalan ni Cheska (Kyline Alcantara), sa kanya.
Hindi nagpatinag si Geraldine dahil paniniwala niya ay inabandona si Cheska nang ipanganak ito sa ospital. Ito ayon na rin sa dati niyang asawang si Raymond (Marvin Agustin).
Lalo pang tumindi ang pag-angkin ni Geraldine kay Cheska dahil alam nitong si Crisel (Pauline Mendoza) ang nakasanib sa katawan nito.
Muling ipinalalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.
Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.
Kabilang din sa supporting cast ng Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.