
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa October 9 (Biyernes) episode nito, hinarap ng Bathalang si Emre ang kapwa niya Bathala na si Ether upang pagbayarin ito sa lahat ng mga kasalanang kaniyang ginawa.
Ang magwawagi sa tapatan ng dalawang Bathala ay ang siyang magdidikta sa kapalaran ng lahat ng diwatang nakatira sa Encantadia.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.