
Sa ulo ng mga nagbabagang balita: nagsimula na ang matinding tapatan ng mga may malalakas ang loob at kompyansa sa sarili sa fun noontime program na It's Showtime!
Nitong Lunes (June 30), ipinakilala na ng mga host ang bagong segment na "Breaking Muse." Isang kompetisyon na babasagin ang pamantayan ng ganda sa labanan ng dalawang kandidata kasama ang kani-kanilang mga ka-barangay.
Kasama sa unang tapatan ang Kapuso stars na sina Jillian Ward, David Licauco, at Andrea Torres bilang unang hurados ng segment.
"Andrea, Jillian, and David, welcome to It's Showtime. Maraming, maraming salamat sa pagparito sa barangayan namin," pagbati ni Vice Ganda.
Umpisa pa lang ng tapatan, puno na kaagad ng kulitan at tawanan sa dalawang barangay.
Una muna ipinakilala ang confident muse ng Brgy. Nazareth, General Tinio, Nueva Ecija na si Erlie Pastor.
"Nandito na ang yayanig ng inyong tanghalian. Walang iba ang nag-iisang Erlie na minsang pinagkamalang si Ivana Alawi," sabi ng kanditata. " Naniniwala sa kasabihang: 'Pangit man ako sa inyong paningin, ang mahalaga maganda ako sa bahay namin!"
Tinapatan naman siya ng isa pang super confident muse mula sa Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal, na si Budang Cruz.
"Anne Curtis? Ako ang mas makinis. Maja Salvador? Ito ang pang door-to-door," pagpapakilala ni Budang. "Maganda man ako sa iyong paningin, kailangan ko na lang ito tanggapin."
Puno ng tawanan at good vibes ang naging tapatan ng dalawang over confident ladies, mula sa question and answer hanggang sa kanilang talent portion.
"Alam mo Erlie ang napansin ko sa'yo, ang lakas ng dating mo. Alam mo 'yung mga tao na parang sandali mo lang napanood at napakinggan pero maalala mo sila. May ganoon kang dating,” komento ni Andrea.
"Ate Budang, masasabi ko na nahahawa ako sa pagiging confident mo," sabi ni Jillian. "Very consistent 'yung confidence mo ate. Sobrang witty mo at tsaka na-appreciate ko na parang pati doon sa performance mo talagang laban na laban ang family mo. So I love that."
Sa huli, nagwagi sa kompetisyon ang muse ng Brgy. San Isidro na si Budang Cruz!
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.