
Family Feud showdown muna ang mapapanood mula sa dalawang teams ng NCAA men's basketball ngayong January 28.
Ngayong Miyerkules, maghaharap ang NCAA Season 101 men's basketball champions na San Beda Red Lions at ang runner-up na Letran Knights.
Ang newly-minted NCAA men's basketball champs na San Beda Red Lions ay kabibilangan nina Bulakeño stretch forward Yukien Andrada; point guard Nygel Gonzales; guard/forward at ang nag-migrate mula sa Ontario, Canada na si Jomel Puno; at ang Ilonggo guard and finals MVP na si Bryan Sajonia.
Para naman sa Letran Knights maglalaro ang power forward na si Luiz Tapenio; ang Cebuano point guard na si Nat Montecillo; ang Kapampangan shooting guard/ small forward na si Elijah Yusi; at ang Caviteño power forward na si Edry Alejandro.
Abangan ang exciting tapatan ng basketball players Family Feud ngayong January 28, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!