GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Tapatan ng viral content creators na sina Diego Garcia at Jammy Bear, mapapanood sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 22, 2026 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WHAT WE KNOW SO FAR: Tacloban school shooting incident
Japan foreign visa fees to increase fivefold from July
3 dead, 5 hurt in Tacloban school shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang Unli-happy Team at Team Tiktoholic ngayong June 22 sa 'Family Feud!'

Ngayong Lunes, ipapakita sa Family Feud ang inclusivity at representation.

Maghaharap ngayong June 22 ang dalawang grupo ng content creators na nagmula pa sa iba't ibang probinsya at lungsod sa Pilipinas.

Pangungunahan ng TikTok sensation na si Diego Garcia ang Unli-Happy Team. Tubong Nabunturan, Davao de Oro, si Diego ay isa nang inspirasyon sa milyon-milyong Pilipino dahil sa kanyang determinasyon, positibong pananaw sa buhay, at talento. Sa kabila ng kanyang kondisyon bilang isang legless content creator, nakabuo siya ng mahigit 4.7 million followers sa TikTok.

Makakasama niya sa kanilang Unli-happy Team ang kanyang videographer na si Jai-Jai Baguio, vlogger na si Gelo Juayno, at dating Octo Arts dancer na si Bennie Almonte.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Samantala, makakatunggali nila ang Team Tiktoholic na pinamumunuan ng multi-talented content creator na si Jamaica Rowan o Jammy Bear. Bilang isang little person, pinatunayan ni Jammy Bear na walang limitasyon ang pagtupad sa mga pangarap. Ipinakikita niya sa kaniyang social media ang iba't ibang hilig, tulad ng deep-sea diving at paggawa ng online content.

Kasama niya sa Team Tiktoholic sina Queen Pitik, negosyanteng si Disney Mama, at dating banker na si Papa AR.

Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong June 22, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.