
Dumating na nga ang kalabang TODA ng LABTODA sa Bayan ng Ulilang Kawayan, ang ENCANTODA.
Nagagalit ang ENCANTODA dahil sa tingin nila ay inaagawan sila ng pasahero ng LABTODA kaya naman naisip ni Mayor Migs na magpaliga na lang para matapos na ang away.
Para malaman kung sino ang magiging coach ng LABTODA sa paliga ni Mayor Migs, naglaro ng basketball sina Emong at Kobe pero pareho silang naaksidente.
Sino kaya ang unang lalapitan ni Gelay? Si Emong ba o si Kobe?
Alamin ang sagot at panoorin ang nakakakilig at nakakatawang eksenang ito sa February 27 episode ng TODA One I Love.
Patuloy na subaybayan ang kapana-panabik na eksena ng TODA One I Love, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Onanay.