GMA Logo Family Feud
What's on TV

Taping ng 'Family Feud,' ipinasilip ng game master na si Dingdong Dantes sa '24 Oras'

By Jimboy Napoles
Published March 19, 2022 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Ipinasilip ni Dingdong Dantes sa '24 Oras' ang studio taping ng 'Family Feud Philippines.'

Mapapanood na sa GMA simula sa Lunes, March 21, ang pinakamalaking game show sa bansa na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes

Ngayong Biyernes, March 18, live na ipinasilip ni Dingdong sa 24 Oras kasama ang "Chika Minute" reporter na si Iya Villania-Arellano ang taping sa studio ng inaabangang family-oriented game show.

Ipinakilala ni Dingdong ang mga aabangang teams ng celebrity guest players, na Team Sexbomb dancers atTteam Biriteras na binubuo ng mga beterano at beterana ng comedy bars.

Makikita rin sa studio ang makulay na set design, podiums, high-end stage lighting, at Family Feud game board kung saan ilalabas ang mga sagot sa survey questions.

Bukod naman sa masayang labanan ng celebrity guest players sa pagsagot sa survey questions, araw-araw ay may chance rin ang Kapuso viewers na manalo ng Php 20,000 sa "Guess To Win" promo ng programa.

Para sa kumpletong mechanics, manood at tumutok lamang sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng Family Feud studio sa gallery na ito.