
Talaga namang hindi basta-basta ang acting skills na ipinapakita ng mga aktor na napapanood sa GMA series na Taskforce Firewall.
Sa recent episode ng serye, nasaksihan ng viewers ang intense scene nina Kylie Padilla at Cheska Fausto.
Naging usap-usapan online ang eksenang ito nina Kylie at Cheska ngunit bukod sa netizens, napa-react din dito ang kanilang co-stars.
Kabilang na rito ang Kapuso actors na sina Miguel Tanfelix at Buboy Villar. Sabi ni Miguel, “Kakaiba 'yung Cheska doon.”
Ginaya naman ni Buboy ang mga galawan nina Kylie at Cheska.
Panoorin ang showbiz report na ipinalabas sa 24 Oras sa video sa ibaba:
Si Kylie ay napapanood sa ongoing GMA series bilang si Isa Cervantes habang si Cheska naman ay kilala rito bilang si Leila Aragon.
Related gallery: Meet the heroes of Taskforce Firewall
Subaybayan ang mga karakter at upcoming scenes nina Kylie at Cheska sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies. May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.