GMA Logo kate valdez in unica hija
What's on TV

Tatlo pang clone sa 'Unica Hija,' makikilala na!

By Jansen Ramos
Published February 2, 2023 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM warns, urges public to report fake socmed pages
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez in unica hija


Ngayong Biyernes (February 3) sa 'Unica Hija,' makakaharap na ni Hope ang babaeng lumikha sa kanya at sa tatlo pang clone na produkto rin ng eksperimento tulad niya.

Bago matapos ang linggo, isang panibagong pasabog ang mapapanood sa sinusubaybayang drama sa hapon na Unica Hija.

Ngayong Biyernes (February 3), malalaman ni Hope (Kate Valdez) na hindi pala siya ang nag-iisang clone dahil makikilala na niya ang tatlo pang babae na produkto ng eksperimento tulad niya.

Makakaharap na rin niya ang mayamang ginang na lumikha sa kanya, gayundin sa mga kapwa niya clone.

Mga kakampi ba sila o kaaway?

'Yan ang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng Unica Hija na mapapanood weekdays pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA 7.

Maaari rin itong mapanood sa Channel 6 (Pinoy Hits) ng GMA Affordabox at GMA Now.

Samantala, ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

NARITO ANG ILANG EKSENA SA PAGKIKITA NI HOPE AT NG CLONE SA UNICA HIJA: