GMA Logo kapuso mo jessica soho
What's Hot

Tatlong babaeng nag-early Christmas gift ng nose job, nauwi sa reklamo

By Kristian Eric Javier
Published December 11, 2023 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

kapuso mo jessica soho


Sa halip na Christmas Gift, surgery nightmare ang naransan ng tatlong dalaga na nagpa-rhinoplasty.

Dahil malapit na ang Pasko, gusto ng ilan na i-treat ang sarili nila para gumanda, kuminis at magkaroon ng bonggang transformation. Kaya nang may nakitang murang rhinoplasty procedure, napagdesisyunan ng tatlong magkakatrabaho na sina Lara, Vhine at Judith na subukan ito.

Ngunit ang inaasahan nilang beauty transformation, nauwi lang sa reklamo at paghingi nila ng refund mula sa gumawa ng procedure.

Sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho nitong nakaraang Linggo, ikinuwento ng tatlong magkakatrabaho ang kanilang naranasan.

Aminado si Lara na noon pa man ay insecurity na niya ang kaniyang ilong, na una ring nakadiskubre ng rhinoplasty promo.

“Kasi kapag nagpi-picture ako, ang hirap po humanap ng magandang anggulo. Kailangan lagi mo siyang i-enhance kasi sa aming magkakapatid, ako 'yung pinaka pango,” pagbabahagi nito.

Kaya nang makita niya na ang promo ng dating PhP70,000 - PhP100,000 na procedure ay in-offer sa PhP55,000 na lang, naisip niyang magandang Christmas gift iyon sa sarili.

“Nakita ko na maganda naman 'yung gawa sa kanila kaya na-convince din po talaga ako,” sabi niya.

Na-operahan si Lara noong Agosto, at ayon sa kaniya, wala naman siyang naramdaman na masakt pagkatapos ng ginawang procedure at masaya naman siya sa naging resulta nito.

BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES AT INFLUENCERS NA NAGBAHAGI NG KANILANG PLASTIC SURGERY STORIES:

Nang makita nina Vhine at Judith ang posts niya tungkol sa ginawang procedure ay nagka-interes na rin ang mga ito. Ayon kay Vhine, tiningnan niya agad ang kaniyang savings, habang ipinangako naman ng boyfriend ni Judith na sasagutin nito ang gastos sa rhinoplasty

Kaya naman, isang buwan matapos sumailalim ni Lara sa procedure, ay sina Vhine at Judith naman ang pumunta sa parehong doctor para dito. Ngunit ayon kay Lara, ilang linggo matapos ang kaniyang operasyon at pagtanggal ng cast, ay napansin niyang uneven ang kaniyang ilong.

“Ang sabi ni Doc dahil lang siya sa swelling. Pabalik-balik po ako dun sa clinic, tinuturukan po siya nga steroid para daw po bumaba 'yung swelling niya,” pagbabahagi niya.

Matapos ang apat na buwan na pabalik-balik sa clinic at walang pagbabagong nangyayari sa kaniyang ilong ay naisipan nang lumapit ni Lara sa ibang doktor. Ayon sa bagong tumingin sa kaniya, hindi swelling kundi nasobrahan ng cartilage, isang uri ng connective tissue sa mga joints ng tao, ang dahilan.

Samantala, pareho din ang naransan ni Vhine at sinabi niyang nararamdaman niya ang dulo ng implant sa kaniyang ilong, habang nagkaroon naman ng bleeding sa kaniyang ilong si Judith. Nagbigay man ng gamot ang doktor ay hindi naman ito nakatulong.

Ngayon ay kumunsulta na sa ibang doktor ang tatlo at ipinatanggal na ang kani-kanilang mga implants at kasalukuyan nang nangpapagaling. Gusto rin sana nilang maka-usap ang doktor na gumawa ng procedure sa kanila ngunit nang tawagan siya ng KMJS ay tumanggi itong magbigay ng komento.

Ayon sa Philippine Association of Plastic Reconstructive and Aesthetic Surgeons (PAPRAS), mayroong standards na kailangan sundin ang mga doktor sa ganitong operasyon, at sinabing responsibilidad nila na makuha ng pasyente ang treatements ng tama, safe, at ethical.

Sinabi naman ni Atty. Rizzle Mae Ostia-Alburo na kung mapatunayan na may pagkukulang at pagkakamali ang doktor na nagsagawa ng operasyon kina Lara, Vhine, at Judith ay maaaring mag-file ng kaso ang tatlo.

Sa huli ay nagbigay ng maiksing paalala si Lara sa mga gusto rin magpa-enhance ng kanilang itsura, “Wala namang mali sa pag-enhance. Pero siguro mag-research na lang din maigi and huwag magpapadala sa mga nagre-refer or nag-o-offer ng promo.”

Panoorin ang buong interview nila dito: