
Tatlong bagong programa ang handog ng GMA Afternoon Prime ngayong 2023.
Kasabay ng pagpapalit ng taon, panibagong nakaaantig, nakapanggigigil at kakaibang mga kuwento ang kakatok sa bawat tahanan ng mga Kapuso.
Tiyak na mas iinit ang hapon ng bawat manonood dahil sa mas matitinding mga eksenang masasaksihan sa bagong GMA shows.
Simula January 16, 2023, mapapanood na ang Underage.
Ito ay pagbibidahan ng Kapuso stars na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Mapapanood sila sa bagong serye bilang Serrano sisters na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes).
Magsisimula naman sa February 27 ang afternoon series na Magandang Dilag, ang programang pagbibidahan ng comedienne-beauty queen na si Herlene Budol.
Kasama niya rito sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Maxine Medina, Bianca Manalo, Angela Alarcon, at iba pang mga aktor.
Gagampanan ni Herlene ang karakter ng isang babaeng tila pinagkaitan ng kagandahan ngunit kalaunan ay magbabago ang buhay.
Isa pang handog ng GMA Network sa 2023 ay ang afternoon prime series na The Seed of Love.
Iikot ang istorya ng serye sa mag-asawang sina Bobby (Mike Tan) at Eileen (Glaiza De Castro) na ang tanging hangad sa buhay magkaroon ng masaya at sarili nilang pamilya.
Huwag palampasin ang world premiere at magagandang kuwento ng tatlong bagong programa na ipapalabas sa 2023 sa GMA Afternoon Prime.
GMA Afternoon Prime 2023: Pasabog na pag-uusapan | New Offerings
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ONGOING AT HIT GMA AFTERNOON SERIES NA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: