What's Hot

Tatlong katanungan na masasagot sa finale week ng 'Poor Señorita'

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 10, 2020 4:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News



Huwag palampasin ang huling linggong makakasama n'yo si Rita Villon.


PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa mga sumusubaybay sa Poor Señorita, magpapaalam na sa inyo ang inyong paboritong programa dahil limang gabi ninyo na lang mapapanood ang GMA Telebabad soap.

Ngayong matatapos na ang Poor Señorita, malalaman na ninyo ang mga sagot sa mga katanungan na ito.

Question no. 1

Nakabalik na bilang CEO ng Señorita Scents si Rita Villon (Regine Velasquez-Alcasid) at nasa pangangalaga na niya ang mga batang noo'y hirap sa buhay, ano pa ba ang kanyang mission sa buhay na hindi pa niya nagagawa?

Question no. 2

Nakaranas ng karma si Deborah (Snooky Serna) dahil sa mga ginawa niya kay Rita kaya ngayon ay hirap sila ng kanyang pamilya sa buhay. Isisisi pa rin ba niya ang dinaranas ngayon sa pamangkin o matututo na siyang maging isang mabuting tao?

Question no. 3

Bagama't unti-unti nang bumabalik sa normal si Charisse (Jillian Ward), naroon pa rin ang pangamba na lumala ang tumor sa kanyang ulo. Gagaling ba siya sa kanyang sakit o tuluyan na siyang mamamaalam sa kanyang mga mahal sa buhay?

Para masagot ang mga tanong na 'yan, panoorin ang huling linggo ng Poor Señorita, gabi-gabi sa GMA Telebabad. 

MORE ON 'POOR SEÑORITA':

IN PHOTOS: Mga mamahaling regalo ni Regine Velasquez sa cast ng 'Poor Señorita'

LOOK: 'Poor Señorita' holds last taping day