What's Hot

Tawa at kilig ang muling hatid nina Steffi at Matteo

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 1:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Lawrence shares appreciation post for Katrina Halili after she accepted his PMPC Star Award
Binibining Pilipinas beauty and body shot leaderboard released
Bacolod fortifies borders vs ASF

Article Inside Page


Showbiz News



Humanda na para sa isang alien invasion!
By MARAH RUIZ


Humanda na para sa isang alien invasion!

Siguradong mai-invade ng alien na si Matteo Do ang inyong mga puso sa My Love From the Star.

Nang maiwan ng kanilang spaceship si Matteo apat na daang taon na ang nakalilipas, namuhay siya ng tahimik at mailap sa mga tao. Papalit palit siya ng pagkatao at palipat-lipat ng tirahan, kaya naman malungkot ang naging buhay niya sa planetang Earth. Sa kasalukuyang panahon, isa siyang propesor sa isang unibersidad.

Isang namang sikat na artista si Steffi Cheon. Medyo may pagka-airhead si Steffi, ngunit streetmart naman siya! Ma-boka siya sa pagsasabing wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng mga manonood niya, pero deep inside, malungkot din si Steffi.

Paano kaya magku-krus ang landas ng dalawa?

Ang My Love From the Star ay isa sa mga top Korean dramas ng 2014 at umani ng iba't ibang mga awards. Isa rin itong tunay na trendsetter sa fashion, makeup at pati na pagkain!

Tampok dito ang isa sa mga in-demand na Korean actresses na si Jun Ji Hyun bilang Steffi. Katambal niya dito ang Korean cutie na si Kim So Hyun na gaganap bilang Matteo.

Abangan ang My Love From the Star, magsisimula na sa Lunes, pagkatapos ng Fall In Love With Me!