
Isang matinding tapatan ng biritan at kantahan ang sasalubong sa madlang people ngayong darating na taon.
Kasabay ng pagpasok ng 2026, muling magbubukas ang pinaka-bagong at malakasang kompetisyon ng “Tawag ng Tanghalan” sa It's Showtime!
Ayon sa opisyal na page ng noontime program, magbubukas muli ang pintuan ng tanghalan para sa gaganaping auditions.
Isasagawa ang auditions sa January 3, mula 9 a.m. hanggang 3 p.m. sa ABS-CBN Audience Entrance. Bukas din ang auditions sa Tagum City Cultural & Trade Center Pavilion, Davao Del Norte (9 a.m. to 5 p.m.) at Iconique Mall Colon, Cebu City (11 a.m. to 4 p.m.)
Samantala, maaari ring mag-audition sa January 4 sa Alfresco 1, Parkmall (Cebu City), mula 11 a.m. hanggang 4 p.m., at sa Mana Town Center (Cavite), ng 10 a.m. to 4 p.m.
Mayroon ding online audition! Pumunta lamang sa https://www.joinnow.ph/itsshowtimeauditions at mag-upload ng link ng audition video.
Bukas ang tanghalan sa lahat ng 16 taong gulang pataas.
Maghanda ng minus-one audition piece ng isang English song at isang Tagalog awitin, kasama ang iyong pangalan, edad, address, at contact number.
Ihanda na ang iyong pangmalakasang boses sa unang hakbang ng 2026 dahil #TaonNa10To sa #TawagNgTanghalan sa #ItsShowtime! ! 🎤
— It's Showtime (@itsShowtimeNa) December 29, 2025
Magkita-kita tayo sa mga sumusunod na audition dates and venues!
Maaari ring mag-audition ONLINE! GO TO https://t.co/CCn2ZL6fnY
at mag-upload ng link… pic.twitter.com/nxbaocpce1
Ihanda na ang iyong pangmalakasang boses sa unang hakbang ng 2026 dahil #TaonNa10To!
Subaybayan din ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang highlights sa naganap na “Huling Tapatan” ng “Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025” sa gallery na ito: